Supplemental impeach raps vs GMA inihain
Naghain sa Committe on Justice si United Opposition (UNO) spokesman Adel Tamano para isumite ang may 38-pahinang reklamo laban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa pagkakasangkot umano nito sa kontrobersyal na ZTE National Broadband Network deal, kahapon.
Sinabi ni Tamano, na hindi pa niya alam kung ang inihain niyang reklamo sa nasabing komite ay iindorso ng opposition sa Kamara.
Gayunman, naunang naghain ng reklamo ni Iloilo Vice Governor Rolex Suplico at ang kasama nitong abogado na si Harry Ro que para sa 11- pahinang supplemental complain laban sa nag-resign na si COMELEC Chairman Benjamin Abalos Sr.
Ang reklamo ni Suplico at Roque ay inayawan ni House Secretary General Roberto Nazareno dahil daw sa wala itong endorser at pagkakaroon ng mga bagong impormasyon matapos nilang isama sa kaso si Arroyo.
Sinabi ni Suplico, na may mga endorser siyang ilalagay tulad nina Reps. Teofisto Guingona III, Liza Hontiveros, Teddy Casino at Maria Isabel Climaco kaya naman pumayag si Nazareno na tanggapin ito.
Samantala duda si Rep. Prospero Nograles, dahil nagtataka ito kung paano nakapaghain ng bagong reklamo ang opposition dahil nakasaad aniya sa constitution na bawal at hindi puwedeng magdagdag ng impeachment complain sa loob ng isang taon.
Ayon kay Nograles, na hindi maisusulong ang reklamo dahil walang sapat na bilang umano ang oppostion para umandar ang reklamo sa Kamara. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending