^

Bansa

Bedol tinutugis na

-

Hiniling kahapon ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Regional Director Chief Supt. Joel Goltiao na mag­ lunsad na ng “nationwide manhunt” ang pulisya upang madakip ang kontrobersyal na si dating Maguindanao election supervisor Lin­tang Bedol.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Goltiao na hiniling niya sa ibang regional offices ng Philippine National Police at iba pang “law enforcement agency” tu­lad ng National Bureau of Investigation na ha­napin na rin si Bedol.

Sinabi ni Goltiao na naniniwala sila na naka­labas na ng ARMM si Bedol ngunit nasa loob pa rin ng bansa.

Matatandaan na bi­nigyan ng Commission on Elections ng 24 na oras na deadline si Gol­tiao upang arestuhin si Bedol.  Ihahain sana ng Criminal Investigation and Detection Group ang arrest warrant la­ban kay Bedol ngunit nabigo nang hindi na ito abutan sa kanyang ba­hay sa Cotabato nitong naka­raang linggo.

Nabatid naman sa mga kamag-anak ni Be­dol na noon pang Oktu­bre 19 huling nakita si Be­dol sa kanyang ba­hay. Isang grupo umano ng mga armadong lalaki ang kumuha kay Bedol hanggang sa hindi na ito makita.

Matatandaan na na­sangkot si Bedol sa si­nasabing mga anomal­ya o dayaan sa naka­raang senatorial elections sa Mindanao sanhi upang ipadakip ito ng Comelec.

Inakasuhan kaha­ pon ni Senate Minority Lead­er Aquilino Pi­mentel Jr. na binibig­yang protek­syon uma­no ng Arroyo government  si Bedol kaya hindi ito maaresto ng pulisya.

Ayon kay Pimentel, bigo ang PNP na ma­aresto si Bedol sa kabila ng ipinalabas na warrant of arrest ng Comelec dahil sa may­roon itong proteksyon ng powerful political forces.

Aniya, matapos iba­sura ng Comelec ang apela ni Bedol at mag­palabas ng arrest warrant sa nasabing election supervisor nitong Oktu­bre 23 ay hindi na maha­gilap ng pulisya si Bedol.

Napatunayan ng Comelec na lumabag si Bedol sa indirect contempt at hinatulang ma­kulong ng 6 na buwan.

Malaki ang hinala ni Pimentel na mayroong kinalaman si Pangu­long Arroyo sa biglang pag­kawala ni Bedol.

Hinamon ng mam­ba­batas ang Comelec at PNP na gawin ang lahat ng pamamaraan upang mahanap at maaresto si Bedol.

Inakusahan ni Pi­men­tel na may kinala­man si Bedol sa fabrication ng CoC’s at iba pang election document sa Maguindanao na nagbigay daan upang magwagi si Sen. Juan Miguel Zubiri ng Team Unity at mala­mangan nito si United Opposition candidate Koko Pimen­tel sa naka­raang 2007 senatorial elections.

Inihayag ni Atty. Andrei Bon Tagum na nasa Maguindanao pa rin ang kanyang kli­yente na si Bedol.

Ang pahayag ay gi­nawa ni Tagum kaug­nay nang balitang na­taka­san ni Bedol ang mga pulis.

Sa isang panayam sa telebisyon (ANC), sinabi ni Tagum na nang huli silang mag-usap ni Bedol sa tele­pono noong Biyernes, sinabi umano nito na siya ay nasa Maguin­danao.

Kumbinsido naman si Tagum na hindi nag­sisinungaling ang kani­yang kliyente at ito ay nasa Maguindanao pa rin hanggang sa kasalu­kuyan.

Sinabi rin sa kaniya ni Bedol na na­nga­nganib ang buhay ba­gamat hindi naman umano nito sinabi kung sino ang mga nagta­tangka o nagbabanta sa kaniya. (Danilo Garcia, Rudy Andal at Mer Layson)

ANDREI BON TAGUM

AQUILINO PI

BEDOL

COMELEC

MAGUINDANAO

SHY

TAGUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with