^

Bansa

‘Subukan muna si Macarambon’ – M’cañang

-

Umapela ang Mala­cañang sa mga kritiko sa ginawang pagtatalaga ni Pangulong Arroyo kay Moslemen Macambon bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan muna ito ng pag­kakataon.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye, sang-ayon sa naging commitment ni Pangu­long Arroyo sa GRP-Moro National Liberation Front (MNLF) agreement ay magtatalaga ang Pa­ngulo ng isang Muslim sa gob­yerno.

Ayon kay Bunye, da­pat ay hayaan muna si Maca­rambon na maipa­kita ang kanyang pagta­trabaho bago siya hus­gahan ng kanyang mga kritiko.

Si Macarambon ay isang trial judge sa loob ng 18 taon bukod sa isa itong law professor na inirekomenda sa Pangulo ni dating Chief Justice Hilario Davide.

“In the interest of fair play, we appeal to critics to refrain from shooting first and asking questions later in the matter of appointment of Macaram­bon to Comelec,” wika pa ni Bunye.

Magugunita na sini­guro ni Sen. Panfilo Lac­son na haharangin niya ang confirmation ni Mac­arambon sa Commission on Appointment (CA) da­hil sa bata raw ito ni dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Iginiit naman ng Pa­las­yo na kapag hinarang ang appointment ni Ma­ca­rambon ay muli la­mang itong ia-appoint ni Pa­ngulong Arroyo.

Mariing itinanggi na­man ni Macarambon na “bata” siya ni Garci at igi­niit na hindi niya kakilala ang nasabing dating opis­yal.

Sinabi pa ni Maca­ram­bon, dapat ay bigyan muna siya ng pagkaka­taon ng oposisyon na maipakita ang kanyang pagtatrabaho bago siya husgahan.

“I have been a very strict judge for the last 18 years. They (CA members) will ask questions and I will answer them all,” sabi pa ni Maca­rambon. (Rudy Andal)

BUNYE

CHIEF JUSTICE HILARIO DAVIDE

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER VIRGILIO GARCILLANO

MACA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with