Schools na makakakuha ng ‘zero performance’ sa board exams, ipapasara

Upang lalong tumaas ang kalidad ng edukas­yon sa bansa, ihinain ni Senate President Ma­nuel Villar ang panuka­lang batas na naglala­yong ipasara at tangga­lan ng lisensiya ang mga col­leges at univer­ sities na makakakuha ng “zero performance” sa mga board exams.

Sa kanyang Senate Bill 1695  o “Professional examination zero perfor­mance policy act”, sinabi ni Villar na marami sa mga eskuwelahan sa bansa ang humina ang kalidad ng edukasyon at hindi kayang magkaroon ng mga estudyanteng pu­mapasa sa board exami­nations.

Sinabi pa nito na marami nang estudyante sa bansa ang nagiging pro­dukto ng “diploma mills” kung saan nagtata­pos ang mga estudyante nang walang alam.

Makikita rin umano ang husay ng isang eskuwelahan sa dami ng mga estudyanteng nagta­pos na pumapasa sa board examinations.

Nais ni Villar na kan­se­lahin ng CHED ang per­mit ng mga eskuwe­lahan na tatlong beses na makakapagrehistro ng “zero-performance” sa anumang professional at board examination sa loob ng limang beses na pag­ susulit. (Malou Escudero)

Show comments