Undas alert!
Nagsimula nang dumagsa kahapon ang libu-libong mga tao sa mga sementeryo kaugnay ng paggunita sa Undas ngayong araw.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, Director General Avelino Razon Jr., umpisa kahapon ay nagdeploy na ang National Capital Region Police Office at AFP-National Capital Region Command ng nasa 11,000 puwersa na tututok sa seguridad ng milyong katao na tutungo sa mga sementeryo at mga pasahero sa bus terminal, daungan, paliparan na uuwi naman sa kani-kanilang probinsiya.
Kabilang sa mahigpit na binabantayan ay ang 54 hektaryang
Nakadeploy rin ang mga pulis sa mga bus terminal sa
Tanghali pa lang kahapon ay halos hindi na magkanda-ugaga ang mga pampasaherong bus sa pagsakay sa mga nag-uunahang pasahero.
Nabatid na sa loob lamang ng 10 minuto ay agad na napupuno na ng mga pasahero ang mga bus.
Halos dumoble na rin ang haba ng pila ng mga pasahero sa mga bus terminals ng JAC Liner, JAM Liner, Green Star at BBL na pawang may destinasyon patungo sa Batangas, Laguna, Bicol, Quezon Province at ilan pang mga karatig probinsiya.
Napag-alaman pa na maagang nagsidagsaan ang mga pasahero matapos na mag-deklara ng kalahating araw lamang na pasok ang ilang mga tanggapan ng gobyerno at ilan pang mga pribadong kompanya at establisimyento.
Bunga nito mas lalo namang pinaigting ng mga awotoridad ang pagbusisi sa mga bagahe ng mga pasahero, bagay na ikinairita naman ng mga nagmamadali at nag-uunahan sa pila na mga pasahero.
Humingi naman ng dispensa ang kapulisan kasabay ng pakiusap na maging mahinahon at sumunod na lamang sa kaayusan at ipinapatupad na inspeksyon upang maiwasan ang anumang sakuna at pananabotahe ng mga masasamang elemento.
Kasabay nto, muling itinaas kahapon sa full alert status ng PNP ang 120,000 malakas na puwersa nito sa buong bansa para tiyakin ang seguridad ng milyong katao na ina asahang magtutungo sa mga sementeryo.
- Latest
- Trending