P.5-M cash gift ni Panlilio gamitin sa mga pagamutang bayan

LUBAO, PAM­PANGA – Hinikayat ng mga al­kalde ng lala­wigang ito sa pamu­muno ni Lubao Mayor Dennis Pineda si Gov. Ed Panlilio na ga­mitin na la­mang sa mga pa­nga­nga­ilangan ng 10 public hospitals ang ti­nanggap nitong P500,000 mula sa League of Provinces of the Philippines (LPP).

Ayon kay Mayor Pi­ ne­da, pangulo ng Pam­panga Mayors League (PML), nagpalabas na din ng pahayag ang ka­nilang grupo  kung saan ay na­nanawagan sila kay Pan­lilio na huwag nang isauli sa LPP ang nasabing halaga bagkus ay gamitin sa pagbili ng mga gamot sa 10 public hospitals.

Naunang nanawa­gan ang PML sa pama­magi­tan ni Candaba Mayor Jerry Pelayo, spokesman ng PML, kay Panlilio na hu­wag nang isauli ang natu­rang cash sa LPP da­hil mas ka­ ila­­ngan ng ka­nilang mga cabalen ang mga ga­mot sa ka­ni­lang mga ka­ram­da­man.

Sabi pa ni Pelayo, hi­ni­hikayat din nila si Panlilio na magpakita ng kanyang su­porta kay Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo sa ka­bila ng ginawa nitong pag­lantad na may natang­gap siyang cash gift mula sa Palasyo.

Nilinaw naman ng LPP sa pamamagitan nina Eastern Samar Gov. Ben Evar­done at Pala­wan Gov. Joel Reyes na mula sa ka­nilang sama­han ang ti­nang­gap na cash ni Pan­lilio at Bula­can Gov. Jonjon Mendo­za at hindi ito galing sa Mala­cañang. (Rudy Andal)

Show comments