Violence Toll sa Bgy. at SK polls: 25 patay, 22 sugatan
Dalawamput-lima katao ang nasawi, habang 22 naman ang nasugatan at isa ang nawawala sa mga karahasang naitala ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa nagdaang Barangay at SK elections.
Ito ang inihayag kahapon base sa pinakahuling update sa kaganapan ng halalan na ipinalabas ng Philippine National Police mata pos na magsara na ang mga polling centers dakong alas-3 ng hapon hanggang sa pag-uumpisa ng bilangan ng mga balota.
Sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., na nakapagtala ang PNP ng kabuuang 48 Election Related Violence Incidents (ERVIs) simula noong Setyembre 29 sa pag-uumpisa ng election period.
Ayon kay Razon, generally peaceful ang halalan ngayong 2007 kumpara noong 2002 na nakapagtala ng 159 ERVIs.
Sinabi ni Razon, 48 ang insidente ng ERVIs ngayong taon kumpara naman sa naitalang 144 insidente noong 2002. Noong 2002 ay 75 ang nasawi habang sa taong ito ay 25 lamang ; 69 ang nasugatan noong 2002 pero ngayon ay umaabot lamang sa 22 ang nasugatang mga indibidwal.
Sa paglabag sa gun ban, sinabi ni Razon na 347 katao ang naaresto at 302 armas ang nasamsam ng pulisya.
Samantala, sinabi naman kahapon ni Comelec Chairman Resureccion Borra na sa kabila ng mga nabang git na karahasan at failure of election na naganap sa ilang lugar ay maituturing pa rin na “generally peaceful” ang nagdaang halalan.
Sa kabilang dako, apat na munisipalidad sa lala wigan ng Sulu ang idineklarang nagkaroon ng “failure of election” dahil sa umano’y ilang naitalang karahasan at di pagsipot ng mga Board of Election Tellers (BET).
Ang apat na munisipalidad ay kinabibilangan ng Panglima Estino; Indanan, Talipao at Luuk.
- Latest
- Trending