No work, no pay!

Nilinaw ng Department of Labor and Employment na special non-working holidays ang darating na November 1 at 2 kung kaya’t maka­katanggap ang mga em­pleyado ng karagdagang 30 porsi­yento sa kani­ lang sahod.

Pero may paalala rin si  Labor Secretary Ar­turo Brion tungkol sa mga pa­takaran na ipi­napa­tupad sa natu­rang nationwide non-workings days sa mga na­banggit na petsa.

Ito ay hindi ha­los naiintindihan ng mara­ming manggag­awa.

Binanggit ni Brion na kung hindi umano nagtra­baho sa araw na ito ang mga emple­yado, ipapatu­pad sa kanila ang “no work, no pay “policy ma­liban la­mang kung may­roong tinatawag na favorable policy, practice o collective bargaining agreement (CBA) sa mga kom­panya na magba­bayad sa mga emple­yado sa mga special day kahit hindi magreport sa tra­baho ang mga ito.

Sakali namang mag­report ang mga emple­yado sa kanilang trabaho, babayaran ng mga employer ang ka­nilang mga em­ pleyado sa kanilang daily rate plus thirty percent sa unang walong oras ng kanilang pinag­trabaho. At kung lumag­pas na­man ng walong oras, idadagdag pa ang thirty percent ng ka­ni­lang orasang bayad.

Sakaling pumatak na­man ito sa day off o araw ng pamamahinga ng em­pleyado at kani­lang ipi­nasok sa tra­baho, baba­yaran sila sa kanilang daily rate plus fifty percent sa unang walong oras ng kanilang ipinagtrabaho at kung lumagpas pa sa walong oras, ida­dag­dag pa ang 30 percent sa kanilang ora­sang trabaho sa na­banggit na araw.

Sinabi ni Brion na ibi­nigay ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang isang maha­ba-habang bakasyon sa mga em­pleyado upang gunitain ng mga ito ang mga namatay nang mahal sa buhay at upang mas lumakas pa aniya ang turismo sa bansa.

Makakapagsagawa rin aniya ng mas ma­gandang bakasyon ang pamilyang Filipino dahil sa mahabang ho­liday.

Show comments