^

Bansa

Pagdami ng preso,isinisisi sa kahirapan

-

Isinisisi ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kahirapan ang pagdami ng mga preso sa iba’t ibang kulungan sa bansa kung kaya’t napapanahon na upang gumawa ng paraan ang pamahalaan upang malutas ito.

Kasabay ng pagdiriwang ng Prisoners Con­siousness Week, sinabi ni Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo, “social sin’ ang pagdami ng bilanggo na dapat na bigyan din ng priyoridad ng pamahalaan.

Ayon kay Arigo, gumagawa ng krimen ang isang tao gaya ng pagnanakaw at panghoholdap, dahil na rin sa hirap ng buhay upang may maipakain lamang sa kanilang pamilya. Nabatid na bagama’t maliit na halaga ang ninakaw, nanatiling nakakulong ng matagal ang isang akusado.

Ipinaliwanag ni Arigo na nakasalalay din ang pagdami ng preso sa justice system ng bansa kung saan mabagal ang proseso dito at walang regulasyon kung hanggang kailan dapat na manatili sa kulungan ang isang preso sakaling hindi umuusad ang paglilitis.

Sinabi nito na dahil sa kahirapan ay walang panggastos ang sinumang akusado na kumuha ng mamahaling abogado hanggang sa mabinbin sa mga korte ang kanilang mga kaso.

Nagpahayag din ng kagalakan si Arigo sa balitang magpapatayo ng karagdagang kulungan si DILG Secretary Ronaldo Puno dahil malaking tulong ito para ma-decongest ang mga piitan sa bansa.

Inihalimbawa nito ang kulungan sa Palawan City Jail na 10 preso lamang ang  maaaring ikulong subalit umaabot na sa 30 ang nakapiit dito at posible pang madagdagan kung maraming kriminal ang madadakip dahil sa pagnanakaw at hindi agad mapapakawalan. (Doris Franche)

ARIGO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

PALAWAN CITY JAIL

PRISONERS CON

PUERTO PRINCESA BISHOP PEDRO ARIGO

SECRETARY RONALDO PUNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with