Petisyon ng PCGG vs Tan ibinasura

Dinismis ng Korte Suprema ang petisyon ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) para mapawalang-bisa ang isang subpoena na naglalayong masilip ang sequestration documents kaugnay sa shares ng business tycoon na si Lucio Tan sa Allied Banking Corporation.

Sa 7-pahinang desisyon, iginiit ng Mataas na Hukuman na hindi maaaring balewalain ng PCGG ang subpoena ad testificandum at duces tecum na inilabas ng Sandiganbayan kaugnay sa pagdinig sa kasong pagpapawalang-bisa sa Sequestration Order sa naturang Allied Banking shares.

Sa kabila nito ay nag­ matigas pa rin ang PCGG at sinabing maari nilang hindi kilalanin ang nasabing subpoena alinsunod sa Section 4 (b) ng Executive Order No. 1 na nagsasaad na maari silang hindi tumes­tigo at maglabas ng ebi­densya sa anumang pag­dinig na may kinalaman sa mga kasong nasa kanilang hurisdiksyon.

Ipinaliwanag naman ng Mataas na Hukuman na ang nasabing probisyon ay nilusaw na sa pamama­gitan ng 1987 Constitution, partikular sa probisyon na nagbibigay ng kapangya­rihan sa Kongreso na mag­sagawa ng inquiry at sa probisyon ukol sa public accountability, policy of full disclosure at right to public information. (Ludy Bermudo)

Show comments