^

Bansa

Ex ni Kuh Ledesma pinakakasuhan ng murder

-

Ipinasasampa ng Department of Justice  (DOJ) ang kasong murder laban sa ex-husband ng singer na si Kuh Ledesma na si Luisito Gonzales kaugnay sa pagpatay sa kanyang half-brother.

Si Gonzales ay kapatid sa ina ng pinaslang na si Federico Delgado, anak ng milyonaryong angkan ni Don Paco Delgado.

Sa resolusyong nilagdaan ni acting Justice Secretary Agnes Devanadera, ibinasura nito ang naging rekomendasyon ni Prosecutor Cielito Lindo Luyon na idismis ang asunto laban kay Gonzales. Nilinaw sa resolusyon na nagkamali si Luyon sa pagbasura sa kaso dahil may sapat na batayan upang isulong umano ang kaso sa korte partikular ang positibong pagkilala kay Gonzales ng biktimang si Analisa Pesico, na tinangka din umanong paslangin ni Gonzales.

Bukod kay Gonzales, pinakakasuhan din ang drayber nitong si Antonio Buenaflor, na sinasabing may kinalaman sa krimen.

Nabigo din si Gonzales na patunayan sa piskalya  ang kaniyang depensa o alibi na wala siya sa lugar ng krimen nang mga oras na naganap ito dahil naka-confine siya sa Makati Medical Center. Ito’y dahil wala siyang nailutang ni isa mang testigo na nurse, doktor o kawani ng nasabing ospital para suportahan ang kaniyang depensa. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANALISA PESICO

ANTONIO BUENAFLOR

DEPARTMENT OF JUSTICE

DON PACO DELGADO

FEDERICO DELGADO

GONZALES

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

KUH LEDESMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with