^

Bansa

Ingat sa P5M ‘bogus witness’

-

Nag-warning kahapon si Bacolod City Rep. Monico Puentebella sa publiko na huwag paniwalaan ang testimonya sa Senado ng isang may inisyal na D.M. na aniya’y binayaran upang i-link si Pangulong Arroyo sa umano’y iregularidad kaugnay ng national broadband network (NBN) project. 

Ayon kay Puentebella, ang handler ni D.M. ay isang talunang kandidato sa pagka-mayor sa Metro Manila at isang mambabatas na init na init sa administrasyon dahil sa ambisyong maging Pangulo. 

Iuugnay umano ng binayarang testigo si Pangulong Arroyo sa paglaki ng NBN cost mula $262 milyon tungo sa $329 milyon. 

Si D.M. ay sinibak ng DOTC bilang opisyal ng Telepono sa Barangay (TSB) project noong 2001 dahil sa maanomalyang transaksyon at inimbestigahan ng Ombudsman.

Inimbestigahan rin ito ng Senado noong 2001, kasama ng kanyang benefactor sa tinaguriang Erap midnight cabinet, dahil sa pagkakasangkot sa Philippine Communications Clearinghouse Inc. (PCCI) scam. 

Ibinuking ni Puentebella na asar rin si D.M. sa ZTE dahil sinibak siya nito matapos mahuling nagli-leak ng dokumento sa Amsterdam Holdings Inc. (AHI) na pag-aari ni Jose de Venecia III.   

 “Those behind this bogus witness used the lull in the Senate NBN hearing to figure out how to sell his implausible story against the President,” wika ni Puentebella.

Ang anti-GMA solon ay kilala sa pagpapalutang ng kung sinu-sinong witness sa mga congressional hearing, at maraming beses nang pinuna ng kanyang mga kapwa mambabatas dahil sa kanyang leading questions sa mga testigo niya. (Butch Quejada)

AMSTERDAM HOLDINGS INC

BACOLOD CITY REP

BUTCH QUEJADA

MONICO PUENTEBELLA

PANGULONG ARROYO

PUENTEBELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with