GMA, FG, Abalos at Neri kinasuhan sa Ombudsman
Pormal nang kinasuhan sa Office of the Ombudsman sina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, First Gentleman Mike Arroyo, dating Commission on Election (Comelec) chairman Benjamin Abalos at Commission on Higher Education (Ched) chair Romulo Neri kaugnay ng usapin sa kontrobersyal na ZTE.
Sa 20-pahinang citizen’s complaint na inihain kahapon sa Ombudsman ni dating Vice Pres. Teofisto Guingona, Atty. Harry Roque, at ng grupong May Pag-asa, iginiit ng mga ito na dapat na papanagutin sing GMA at mga gabinete nito dahil sa nasabing kontrata.
Kasong dereliction of duty, obstruction of justice at entering into a grossly disadventagous contract ang isinampa laban kay GMA habang bribery at indirect bribery si Abalos habang dereliction of duty at obstruction of justice naman kay Neri.
Samantalang kasong paglabag umano sa section 5 ng RA 3019 o Graft and Corrupt Practices Act ang dapat na ka harapin ni First Gentleman Mike Arroyo dahil sa ginawa umano nitong panghihimasok sa ZTE contract.
Sinabi ni Guingona na dapat na managot si GMA dahilan sa kabiguan nitong aksyunan ang sumbong ni Neri hinggil sa pangsusuhol umano ng P200M ni Abalos para lagdaan ang nasabing kontrata.
Idinagdag pa ng mga ito na sakaling hindi aksyunan ni Tanodbayan Merceditas Gutierrez ang inihain ng mga itong reklamo ay dadalhin nila ang nasabing reklamo sa Supreme Court. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending