Erap humingi ng pardon
Pormal nang humiling na pagkalooban ng presidential pardon si dating Pangulong Erap Estrada kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos iurong na nito ang kanyang mos yon sa Sandiganbayan kahapon.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Justice Secretary Agnes Devanadera sa Malacañang reporters sa isang media briefing sa Palasyo.
Sinabi ni Sec. Devanadera, nagpadala kahapon ng 3-pahinang liham ang kampo ni Erap sa pamamagitan ni Atty. Jose Flaminiano sa kanyang tanggapan upang ipagbigay-alam na iniuurong na ni Mr. Estrada ang kanyang motion for reconsideration sa Sandiganbayan.
Nakasaad sa sulat ni Atty. Flaminiano, “ the time has come to end Pres. Estrada’s fight for justice and vindication before the courts. Today we filed a withdrawal of his motion for reconsideration. Pres. Estrada himself believes that the appeal to the Supreme Court would be futile for even the possibility of a favorable judgment will not satisfy several more years of detention”.
Ayon kay Devanadera, pag-aaralan ng kanyang tanggapan ang nasabing apela ng kampo ni Erap at isusumite na nito ang kanyang rekomendasyon sa Pangulo sa loob ng isang linggo.
Sa huling bahagi ng liham kay Sec. Devanadera ni Atty. Flaminiano, “in the highest national interest, to which President Estrada is always willing to subordinate his own, we appeal to Your Excellency to grant him full, free and unconditional pardon”.
Magugunita na hinatulan ng anti-graft court si Erap ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kasong plunder noong Setyembre 12. habang inabswelto naman sa katulad na kaso sina Sen. Jinggoy Estrada at Atty. Edward Serapio.
- Latest
- Trending