Hinamon ni House Speaker Jose de Venecia Jr., si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na isulong ang “moral revolution’ sa kanyang administrasyon.
Nagsalita si de Venecia, dahil morally bankrupt na umano ang gobyerno matapos magsalita ang Catholic Bishop Conference of the Philippines CBCP kaugnay sa mga bali-balitang nagkaroon ng suhulan sa mga kongresista at mga local officials sa Palasyo.
Ayon kay de Venecia, susulatan niya sa Lunes si Arroyo para isulong ang moral revolution at sibakin ni Arroyo ang mga tiwaling official ng gobyerno.
Sinabi naman ni Nueva Ecija Rep. Edno Joson, tapusin ni De Venecia kung ano ang sinimulan nito kaugnay sa pagbatikos sa mga katiwalian sa gobyerno.
Ayon kay Joson, dapat ipagpatuloy ni de Venecia ang ginagawang laban nito hinggil sa katiwalian.
Binanatan ni de Venecia, ang nangyayaring katiwalian sa administrasyon ni Arroyo kaya naman hinamon na nito na sibakin ng Pangulo ang mga tiwaling miyembro ng Gabinete at mga official ng Government Owned and Controlled Corporation. (Butch Quejada)