Babala ni Dolorfino: Civil war sisiklab
Nagbabadya umano ang madugong civil war kapag lumahok ang mga sundalo sa kudeta upang patalsikin sa kapangyarihan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ang ibinabala kahapon ni Philippine Marines Corps Commandant Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino sa panayam ng Defense reporters.
“A civil war is not far-fetched if the Armed Forces is involved in a coup try. That is the main reason why we should remain solid and neutral at all times,” dagdag pa ni Dolorfino.
Aminado ang opisyal na apektado ang mga sundalo sa kontrobersyal na alegasyon na tumanggap umano ng ‘cash gift ‘ o suhol mula P200,000.00 hanggang P500,000.00 ang mga lokal na opisyal upang suportahan ang liderato ni Pangulong Arroyo na nahaharap sa panibagong impeachment complaint.
Kumambyo naman ang opisyal sa pagsasabing bilang mga sundalong may sinumpaan sa tungkulin ay dapat na umiral ang kanilang propesyunalismo sa ser bisyo at hindi dapat makikisawsaw sa isyu ng pulitika.
Inihalimbawa ni Dolorfino si dating Marine Commandant Artemio Tadiar na noong kainitan ng 1986 People’s Power Uprising ay tumangging sundin ang utos ni dating Chief of Staff ret. Gen. Fabian Ver na barilin ang mga protesters sa EDSA highway .
“Had the former commandant, General Tadiar, not been as professional, it could have become a bloody confrontation between the pro-government and government forces,” paliwanag pa ni Dolorfino.
Nabatid na ang panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo ay nag-ugat sa kontrobersyal na $329M contract sa
- Latest
- Trending