Tulong sa naulila ng sundalo dinagdagan
Inutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na mula sa dating P100,000 ay itaas sa P250,000 ang tulong na salapi sa pamilyang naulila ng mga sundalong namatay sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa bansa.
Ito ang inihayag kahapon ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. kasabay ng paggawad ng Pangulo ng Posthumous Gold Cross Medal Award sa apat na tauhan ng Navy Commandos na nasawi sa pakikipag laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan noong Oktubre 2.
Ginawa ang parangal sa apat na sundalo sa isang seremonya sa Sangley Point,
Kabilang sa mga ginawaran ng parangal sa ipinakitang kabayanihan sa serbisyo ay sina Gunnersmith Jay Soguitan, Fireman First Class Machinery repairman Michael Abrio, Seaman Second Class quartermaster Ruel Peralta, at Seaman Second Class radarman Joe Vincent Sistoza. (Joy Cantos at Rudy Andal)
- Latest
- Trending





















