Nakatakdang isampa ni Akbayan Rep. Risa Hontiveros Baraquel ang kasong katiwalian laban kay dating Commission on Elections Chairman Bemjamin Abalos dahil sa pagkakadawit nito sa maanomalyang national broadband network contract ng pamahalaan sa ZTE Corp. ng China.
Sinabi ni Hontiveros na gagawin niya ang hakbang upang matiyak na may dapat panagutan si Abalos dahil sa umano’y panunuhol.
Gayunman, hihingin niyang mag- inhibit si Ombudsman Merceditas Gutierrez sa kasong ito upang matiyak na patas at impartial ang pagbusisi ng kasong ito ni Abalos. (Angie dela Cruz)