^

Bansa

Malakanyang pinalalayas

-

Kinatigan ng Supreme Court ang Manila Regional Trial Court na naunang nag-utos sa Malakanyang na isoli sa isang priba­dong indibidwal na si Tarcila Laperal Men­doza ang lupa nitong kasalukuyang kina­tatayuan ng presidential guest house sa 1440 Arlegui St., Manila. 

Inatasan din ng Korte ang pamahalaan na bayaran si Mendoza ng P8 milyon bilang bayad o renta sa pag­gamit ng kanyang lupa.

Inireklamo ni Men­doza sa korte na sa­pilitang kinamkam ng pamahalaan ang ka­niyang bahay at lupa nang gamitin ang isang pekeng deed of sale kaya’t napilitan siyang habulin ito sa pama­magitan ng korte. Si­nimulan anyang oku­pahan ng pamahalaan ang kanyang lote noong Hulyo 15, 1975 na panahon pa ni da­ting Pangulong Ferdi­nand Marcos. 

Gayunman, pina­ala­lahanan din ng Mataas na Hukuman ang Malakanyang na bilisan ang paglalaan ng pondo na pam­bayad kay Mendoza dahil mahigit 90 taong gulang na ito.  (Ludy Bermudo)

ARLEGUI ST.

LUDY BERMUDO

MALAKANYANG

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MENDOZA

PANGULONG FERDI

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with