^

Bansa

Kongresista ng Eastern Samar di raw Pinoy

-

Isang kongresista sa Eastern Samar ang inaku­sahang sinungaling mata­pos itago nito sa publiko ang katotohanan ng kan­yang pagiging Filipino sa nakaraang halalan.

Inakusahan ni Mayor Gil Norman Germino ng Can-avid, Eastern Samar si Rep. Teodulo Coquilla ng panlilin­ lang na ang naging resulta nito ay kawalan ng kuma­katawan sa Kon­greso.

Si Coquilla ay nanalong solon sa Eastern Samar noong nakaraang elek­siyon. Ngunit noong July 6, ang Special Committee on Naturalization (SCN) sa isang resolusyon, ay bina­bawi ang certificate of re­patriation ni Coquilla at ina­alis ang pagiging Filipino nito.

Sinabi ni Germino, ang kanyang lalawigan ay hindi kumakatawan sa Maba­bang Kapulungan ng isang hindi Filipino kaya marapat umanong mapalayas si Coquilla sa Kongreso.

Una ng kinuwestiyon ang pagiging Pinoy ni Coquilla noong March 23, 2007 kasunod nang mag­ha­rap ito ng kandidatura noong March 28, 2007.

“Coquilla’s certificate of repatriation was revoked by SCN for he gave up his Filipino citizenship by natu­ralization and not on account of any political or economic necessity as required by RA 8171,” sabi ni Geronimo.

Si Coquilla ay naging na­turalized US citizen noong October 1970.

Kat­wiran ng solon, nabawi niya ang kanyang pagiging Filipino noong November 2000 ng ma­numpa ito sa SCN.

COQUILLA

EASTERN SAMAR

MAYOR GIL NORMAN GERMINO

PLACE

SHY

SI COQUILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with