Hiniling kahapon ng National Federation of Hog Farmers Inc. (NFHFI) sa Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) na bantayan ang napipintong pagpapa lusot ng mga imported na manok, karneng baboy at sibuyas lalo ngayong malapit na ang Kapaskuhan.
Sa liham ni Albert Lim, pangulo ng NHFI, kay PASG chief Antonio Villar Jr., nagboboluntaryo rin ang kanilang asosasyon mula sa Luzon, Visayas at Mindanao na tumulong sa PASG para hadlangan ang planong smuggling ng mga agricultural poducts.
Sinabi ng NFHFI kay Usec. Villar, dapat bantayang mabuti ang mga refrigerated container vans na pumapasok sa Bureau of Customs (BOC) dahil kalimitan sa mga ito ay misdeclared ang items o undervalued na agricultural products na ang iba ay hindi dumaan sa Veterinary Quarantine Clearances.
“These illegally imported meat and poultry products that enter the country without the VQC could be carriers of diseases like FMD (foot and mouth) for pork and avian flu for chicken,” wika pa ni Lim sa liham nito sa PASG chief.
Nagpasalamat naman si Villar sa NFHFI dahil sa pagtitiwala nito sa PASG. (Rudy Andal)