Ginang nanganak habang pinabibinyagan ang anak

Isang misis ang nanganak habang nagpapabinyag ito sa kasagsagan ng Binyagan sa Barangay kamakalawa.

Sa ambulansiya na tuluyang nailuwal ni Gng. Rosemarie Bendero, 37, ng Baseco compound sa Tondo, Manila ang kanyang sanggol na lalaki.

Nabatid na kabilang si Bendero sa lumahok sa mass baptism na sabay-sabay idinaos sa Manila Cathedral at San Agustin Church. Ang libreng pabinyag ay proyekto ng Hulog ng Langit Foundation ni dating kongresista Mark Jimenez at takdang isali sa Guinness Book of World Records. 

Agad namang dinalaw ni Jimenez si Bendero at sanggol nito sa Ospital ng Maynila at tiniyak na sasagutin ang lahat ng gastusin ng mag-ina. Tiniyak ng  dating mambabatas na bibigyan niya  ng magandang kinabu­kasan ang bata sa pamamagitan ng scholarship.

Show comments