Marine Commander sa Basilan sinibak!
Matapos mamatayan ng 29 tauhan, sinibak na sa puwesto ang Marine Brigade Commander sa lalawigan ng Basilan.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Esperon Jr., inalis si Col. Ramiro Alivio bilang 1st Marine Brigade Commander dahil hindi umano ito sumama sa kanyang tropa na nakipagbakbakan sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Basilan.
“I wish Colonel Alivio would have been more forward. I know that he could control the troops from where he was, but I would have preferred that he be nearer the troops,” pahayag ni Esperon.
Ayon kay Esperon, wala si Alivio sa huling sagupaan noong Sa bado sa Ungkaya Pukan na ikinasawi ng 15 Marines.
Binigyang diin pa ni Esperon na hindi dapat nagbibigay lamang ng instruksyon si Alivio kung saan ay dapat nasa tabi ito ng nakikipagsagupa niyang mga tauhan.
“I don’t contest the assessment of Colonel Alivio that he has to remain in his headquarters while the operations is going on, but I believe a brigade commander will be more effective if he will be near the troops during operations,” paliwanag pa ng Chief of Staff.
Sinabi ni Esperon na binigyan na rin niya ng instruksyon si Col. Rustico Guerrero, ipinalit kay Alivio na samahan sa giyera ang kaniyang tropa.
- Latest
- Trending