^

Bansa

Mass baptism sa RP sali sa Guinness

-

Tatangkain ng Pilipinas na maiukit sa kasaysayan sa mundo at maihanay sa iba pang mga pambihirang pangyayari na naitala sa Guinness Book of World Records ang ginagawang Binyagan sa Barangay ni dating Manila congressman Mark “MJ” Jimenez.

Kahapon ay idinaos ang pinakamalaking bin­yagan sa Manila Cathedral at San Agustin Church sa Intramuros, Manila kung saan 6,000 maralitang bata mula sa ibat-ibang pamil­yang naninirahan sa Ba­seco Compound, Parola at Gagalangin na pawang sa Tondo; Leveriza, Sta. Mesa, Pandacan at sa  mga squatters area sa Manila. ang sabay-sabay na bininyagan ng libre sa ilalim ng Hulog ng Langit Foundation.

Bukod sa libreng ter­nong damit at sapatos, pink para sa mga batang babae at blue para sa mga batang lalaki, tiniyak ng dating kongresista na komporta­bleng makakarating sa simbahan ang mga batang bibinyagan kasama ang mga magulang dahil 40 bus ang kanyang inarkila para sa nasabing okasyon.

Pinatunayan din ng populistang si MJ na pan­tay-pantay ang lahat sa mata ng Diyos, dahil ma­ging ang kanyang 8-bu­wang gulang na anak na si Angelina Juliana Crespo  ay biniyagan din.

Upang maipakalat ang magandang gawain sa buong mundo, nagsasa­gawa na ng documentation ang ilang kasapi ng foundation upang ito ay maipa­tala sa Guinness.

Nangako si MJ na isang milyong bata ang kanyang pabibinyagan mula sa ibat-ibang panig ng mundo.

Simula noong Hunyo 2007 ay nakapag­pabinyag na ito ng libre sa 20,000 bata.

ANGELINA JULIANA CRESPO

BINYAGAN

GUINNESS BOOK OF WORLD RECORDS

LANGIT FOUNDATION

MANILA CATHEDRAL

SAN AGUSTIN CHURCH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with