^

Bansa

Humanitarian offensive utos ni GMA

- Joy Cantos, Rudy Andal -

Iniutos kahapon ni Pangulong Gloria Ma­capagal-Arroyo sa Department of Energy at Department of Education ang pagsasagawa ng “humanitarian offensive” sa Basilan at Sulu na kasalukuyang pi­nangyayarihan ng bak­bakan ng puwersa ng Armed Forces of the Philippines at ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Sa utos ng Pangulo, tutulungan ng DoE at DepEd ang mga sibil­yang naapektuhan ng kaguluhan sa Basilan at Sulu.

Kaugnay nito, ita­tayo ng dalawang de­parta­mento ang mga solar-powered science laboratories para sa mga estudyante sa liblib na mga lugar sa dalawang lalawigan.

Sinabi pa ng  Pa­ngu­lo na dapat mag­patuloy pa rin sa pag-aaral at pagsasaliksik ang mga estudyante katulad ng pagtatayo ng solar-powered science laboratories sa kabila ng nang­yayaring military operations sa Sulu at Basilan.

Samantala, hina­rangan na ng militar ang mga daanan pa­pasok at palabas ng Basilan, ayon kay AFP-Task Force Thunder Commander at Western Mindanao Command Deputy Chief Brig. Gen. Juancho Sabban, para hindi makatakas ang mga bandido palabas ng lalawigan.

Sinabi ni Sabban na binomba  ng tropa ng mga sundalo ang mga hinihinalang pinagku­kutaan ng Abu Sayyaf habang patuloy rin ang pagtugis sa mga ban­dido.

Naka-full alert na­man ang Philippine National Police laban sa posibleng pagsala­kay ng mga rebeldeng gru­po na nakikisim­patya sa Abu Sayyaf.  

Napaulat din na na­matay na ang isang sub-commander ng Moro Islamic Liberation Front na si Nuridim Mudalam alyas Commander Nor na nasu­ga­tan sa isa sa paki­kipaglaban sa mili­tar sa Basilan kamaka­ilan.

Sa hiwalay na ulat, nakatakas ang grupo ng isang Abu Sayyaf Commander na si Gaffur Jum­dail nang salakayin ng mga sundalo ang ka­nilang kampo sa Lapah, Ma­imbung, Sulu kama­kalawa. Si Jumdail ay ka­pa­tid ni Umbra Jum­dail alyas Commander Doc Abu Pula na may patong sa ulo na P5 mil­yon.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASILAN

COMMANDER DOC ABU

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with