Mga taga-Smokey saludo sa SC
Nagpasalamat ang mga taga-Smokey Mountain sa Korte Suprema dahil sa hatol nito na nagpapatibay sa legalidad ng Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMDRP).
Ayon kina Nenita Santiago at William Morallos, village leaders, ang positibong desisyon ng Supreme Court ay pagpapatunay na ang SMDRP ay isang huwarang proyekto para sa mga maralitang taga-lungsod.
“Ngayon ay maisusulong na namin ang aming buhay nang di nangangamba na mawawala sa amin ang aming mga bahay mula sa SMDRP na aming ipinaglaban sa loob ng may 20 taon,” sabi ni
Una rito, kinuwestiyon ni dating Solicitor General Francisco Chavez ang legalidad ng kontrata nito.
Gayunman, sa botong 13-0 ay pinagtibay ng SC ang validity ng 1993 contract sa pagitan ng gobyerno at R-II Builders.
Ang SMDRP ay tinustusan mula sa benta ng mga commercial at industrial lots sa 79 hektaryang reclamation area sa harap ng dating tambakan ng basura.
Ang reklamasyon ay isinagawa ng R-II Builders para magkaroon ng value ang lugar na noo’y nakalubog sa maduming tubig-dagat at halos kubabawan ng gabundok at umuusok na basura.
Sa kasalukuyan, ang village na tinaguriang “Paradise Heights” ay may handicraft livelihood center para sa mga kababaihan, Botika ng Bayan, basketball court at maraming hanay ng five-storey residential condominium buildings na kailan lang ay ipinamahagi sa kanila ni Pangulong Arroyo.
- Latest
- Trending