Pagpapaunlad ng natural gas sa bansa sinuportahan
Sinuportahan ng PTT Philippines Corporation ang ginawang pahayag ni Energy Secretary Angelo T. Reyes na isusulong nito ang mas malawak na paggamit sa natural gas upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa iniaangkat na krudo.
Sinabi pa ni PTT Phils. President Siripong Phoungpaka pangungunahan nila ang gagawing hakbang ng kalihim at sisilipin mabuti kung papaano makakatulong ang kanilang kumpanya sa pagpapalago at pagpapalaganap ng paggamit ng natural gas sa bansa.
Ang PTT Phils. ay patuloy na nagpapalago ng kanilang operasyon sa Pilipinas sa nakalipas na 10 taon sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga fuel depot sa Clark, Subic at Cebu. Hangad din ng kumpanya na madagdagan ang itinayong gasoline station sa bansa sa 100, bukod pa sa pamamahagi ng natural gas. Kabahagi rin ito sa pagtatayo ng petrochemical at refinery operations sa Pilipinas sa pakikipagtulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.
- Latest
- Trending