‘Courtesy’ car plates pinapa-ban

Hiniling kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na  ipag­bawal na ang mga low-number courtesy plates sa sasakyan ng mga high-ranking government officials.

Sa ilalim ng Senate Bill 1158 ni     Sen. Pimentel, ang dapat lamang paya­gang gumamit ng low-number car  plates ay mga opisyal na sasakyan ng Pa-ngulo (number 1) at mga diplomat.

Ayon kay Pimentel, pumapangit ang imahe dahil nabibigyan ng spe- cial treatment ang mga opisyal ng gobyerno dahil sa kanilang low-numbered car plates.Aniya, ang ilang abusadong opisyal ay inaakalang mayroon na silang lisensiya upang lumabag sa batas-trapiko dahil sa pagkakaroon nila ng single-number car plates sa kanilang sasakyan.

Sa sandaling maging batas, ta­ nging ang opisyal na sasakyan ng  Pa­ngulo at kinatawan ng mga foreign states ang puwedeng gumamit ng protocol plates. (Rudy Andal)

Show comments