^

Bansa

Loren, zero ang lovelife

-

Sinabi kahapon ni Sen. Loren Legarda na ang kanyang “zero” lovelife ang naging dahilan upang siya’y mag-no. 1 sa May 14 senatorial race.

Sa isang press conference, sinabi ng 47-anyos na sena­ dora na dahil “zero” ang kanyang lovelife, kahit alas-12 ng gabi ay natatawagan siya at nakaka-text niya ang sinu­man na nais humingi ng tulong kahit madaling araw na.

Wala rin anyang sagabal sa kanyang trabaho at kahit sinong kababayan ay puwedeng yumakap sa kanya.

Pero kung tutuusin aniya ay mas maganda ang love­life niya ngayon kung ikukumpara sa mga nakalipas niyang pag-ibig dahil nasa 18.3 milyong Pinoy ang bumoto at nagmamahal sa kanya.

Sinabi pa nito na ang kanyang ‘unsolicited advice’ ay hindi dapat pagsamahin ang career at pag-ibig.

Sinigurado rin nito na sa susunod na anim na taon na pagiging senadora ay magiging focus pa rin siya sa trabaho sa Senado dahil walang “lovelife” na iistorbo sa kanya. (Malou Escudero)

vuukle comment

LOREN LEGARDA

MALOU ESCUDERO

PERO

PINOY

SENADO

SINABI

SINIGURADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with