‘SONA payapa’ - PNP
Sinabi kahapon ni Philippine National Police Spokesman C/Supt. Samuel Pagdilao na payapa sa pangkalahatan ang SONA bunsod ng mga hakbang na pansegu ridad na ipinatupad ng pulisya.
Ang National Capital Region Police Office ay nagpakalat ng 9,000 pulis sa Quezon City habang nakaalerto naman ang 2,000 tropa ng Metro Manila command ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon naman kay Supt. Rhodel Sermonia, Public Information Officer ng NCRPO, sa mahigit 3,000 raliyista mula sa mga militanteng grupo ay walang napaulat na panggugulo at wala ring inaresto ang pulisya.
Bigo namang makalapit sa Batasan Complex na pinagdausan ng SONA ang tinatayang 7,000 aktibista dahil sa epektibong pagbabantay ng pulisya.
Nag-umpisang maggirian ang mga militante at libo-libong anti-riot police dakong alas-7:00 ng umaga nang tangkain ng mga raliyista na magtungo sa St. Peters Parish church
Nakuntento na lamang ang mga militante na magsagawa ng kanilang programa sa itinakdang rally zone malayo sa Batasan Complex kung saan tinuligsa ng mga ito ang mga pangakong napako umano ng administrasyong Arroyo buhat sa nakaraang SONA nito at patuloy na pagtaas ng bilang ng extra-judicial killings.
Isang effigy rin ang sinunog kung saan inilalarawan ang Pangulo na isang Manananggal dahil sa pagtanggal umano sa karapatan ng mga tao sa pagpapatupad ng Human Security Act. (Joy Cantos, Danilo Garcia, Angie dela Cruz at Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending