Villar sa  Senado; JDV sa Kamara

Muling nakaupo sa pinakamataas na posis­yon sa Senado at House of Representatives sina Se­nador Manuel Villar at  Pangasinan Rep. Jose de Venecia sa pagbubukas kahapon ng 14th Congress bagaman naging mainit at kontrobersyal ang pagpili ng taong iluluklok sa naturang mga posisyon.

Kung naging magulo ang pagbubukas ng 14th Congress sa Mababang Kapulungan ng Kongre­so, walang kahirap-hirap na­mang nakuha ni Villar ang kanyang dating po­sisyon bilang presidente ng  Se­nado  matapos  su­porta­han ng 15 se­nador.

Si Sen. Aquilino Pi­men­tel na nakakuha la­mang ng pitong boto ang naging kalaban ni Villar kaya ito ang uupong minority leader sa Mataas na Kapulungan.

Katulad ng inaasa­han, hindi nakarating sa ses­ yon si Senador Antonio Trillanes na nakaku­long dahil sa kinakaharap na kaso sa korte.

Mananatiling majority floorleader si Sen. Fran­cis Pangilinan saman­ta­lang si Sen. Jinggoy Es­tra­da na­man ang uupong  Senate  Pro-Tem­pore.

Sa ikalimang pagka­ka­­taon at sa botong 159, muling napili si de Ve­necia bilang Speaker ng House bagaman pinu­puna ng ilang oposisyong mambabatas na isang huwad na halalan ang isi­nagawa ng maba­bang kapulungan para sa na­turang posisyon.

Hindi nanomina ang itinuturing na mahigpit na katunggali ni de Venecia sa pagka-Speaker na si Cebu Rep. Pablo Garcia.          

Sa naunang caucus ng mga oposisyong kon­gre­­sista, napiling minority leader si San Juan Rep. Ronaldo Zamora. Si Iloilo Rep. Arthur Defensor na­man ang acting majority floorleader at inaasahang mahahalal din sa posis­yong ito. 

Kinondena naman ni Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte ang anya’y hu­wad na halalan sa House na nagresulta sa pagbibi­gay kay de Venecia ng ika­lima nitong termino bilang Speaker.

Pinuna ni Villafuerte na hindi pa nagkakaroon ng malinaw na rules of procedure nang mahalal si de Venecia sa loob lang ng 29 na minuto.

Ipinasya anya ni Gar­cia na huwag nang luma­ban dahil  irregular uma­no ang proseso at mag­ka­karoon ng pagdududa sa pagiging lehitimo ni de Venecia.

Sa hiwalay na ulat, isang resolusyon na ni­lag­daan ng 15 senador sa pa­ngunguna ni Pimen­tel na humihiling sa korte na pa­yagang makadalo sa ses­yon ng Senado si Trillanes.

May 100 tagasuporta naman ni senatorial candidate Aquilino “Koko” Pi­mentel III ang nagpiket sa kalsada malapit sa Senado  para kondenahin ang pag­kakaproklama kay Sen. Juan Miguel Zubiri na na­ging mahigpit na ka­tunggali niya sa ika-12 pu­westo sa nakaraang senatorial election.   (Malou Es­cudero at Butch Quejada)

Show comments