DOTC order sa CTPL ‘di sinuspinde

Hindi sinuspinde ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang imple­ men­tasyon ng Department Order 2007-28 hing­gil sa Comprehensive Third Party Liability (CTPL) issue gaya ng napapaulat.

Ayon kay DOTC Secretary Leandro Mendoza, ang kanyang ahensiya at ang Department of Finance (DOF) ay nagka­sun­dong ipatupad ang interim measure dahil sa naturang kautusan, mag­la­laho na ang mga fly by night insurance, mapapa­bilis ang claims at hindi makakapasok sa sistema ang mga pekeng CTPL policies.

Sinabi rin ni Mendoza na ang clearing house para sa authentication at verification ng CTPL policies ay pangangasiwaan ng Stradcom Corporation, ang LTO’s information tech­nology provider. Pina­litan na ng Stradcom ang D-Tech Management systems na paso na ang kontrata sa Hulyo 24.

Wala rin umanong ka­to­tohanan na maraming bilang ng mamamayan ang mawawalan ng tra­baho kapag ganap na naipatupad ang naturang kautusan dahil aalisin lamang nito ang mga ire­gu­laridad sa industriya.

Kaugnay nito, sinabi ni LTO Chief Reynaldo Ber­roya na mabibigyang daan na rin na malikom ng pa­ma­halaan sa pamama­gitan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang may P300 milyon nawa­wa­lang kita ng bansa mula dito kapag naipatu­pad na ang naturang order.  (Angie dela Cruz)

Show comments