Villar, Senate President uli

Sigurado na si Senate President Manuel Villar Jr. na muling mananatiling lider ng Senado sa pag­bubukas ngayon ng 14th Congress.

Mayorya ng 23 miyem­bro ng Senado ay nagpa­kita ng pagsuporta kay Sen. Villar bilang pangulo ng Senado.

Ang mga nakatakdang bumoto kay Villar sa pag­bu­bukas ng sesyon nga­yong umaga ay sina Joker Arroyo, Edgardo Angara, Francis Pangilinan, Jing­goy Estrada, Allan Peter Caye­tano, Chiz Escudero, M­i­riam Defensor-Santiago, Juan Ponce Enrile, Lito Lapid, Richard Gordon, Pia Cayetano, Ramon Revilla Jr., Juan Miguel Zubiri at Gringo Honasan.

Kahit hindi nakakuha ng sapat na bilang si Sen. Aquilino Pimentel Jr. ay sasabak pa rin ito sa Senate presidency bilang “token candidate” upang ma­kuha muli nito ang pagiging senate minority leader. 

Ang mga sumusuporta kay Sen. Pimentel ay sina Pan­filo Lacson, Loren Le­gar­da, Mar Roxas, Rodolfo Biazon, Jamby Madrigal, Antonio Trillanes at Noynoy Aquino.

Sa ginanap na minority caucus kahapon sa Manila Polo Club, inilatag ng opo­sisyon ang kanilang ma­giging legislative agenda. Si Atty. Rey Robles ang na­ging kinatawan ni Trillanes sa caucus.

Iginiit pa ng oposisyon, ang anumang committee chairmanship na iaalok sa kanila ng mayorya ay dapat dumaan sa kanilang lider (Pimentel) dahil ito ang nakakaalam ng ka­ nilang mga forte. (Rudy Andal)

Show comments