^

Bansa

Court martial sa sundalo na nakapatay ng kabaro

-

Ipinag-utos na kaha­pon ang pagsailalim sa General Court Martial (GCM) laban sa isang sundalo na nakapatay ng kanyang kasamahan sa isang ‘accidental firing’ habang nagsasanay sa Camp Magsaysay, Nueva Ecija kamakailan.

Sinabi ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino na binigyan niya ng direktiba ang military prosecutors mula sa Army Judge Advocate General’s Office (JAGO) na litisin si Corporal Edgar Caban sa pagla­ bag sa Articles of War  (AW) o ang reckless imprudence resulting to homicide.

Ito’y matapos niyang aksidenteng mapatay si Staff Sergeant Raul Sua­cillo sa ginanap na ambush simulation exercise noong Hulyo 13.  Hindi umano niya akalain na ang kaniyang armas ay may kargang buhay na bala sa halip na blangko. Ang dalawa ay kapwa nakatalaga sa elite Army Special Forces Regiment.

Lima pang opisyal ang ibinaba ng ranggo dahil sa kapabayaan na nagre­sulta sa pagkamatay ni Suacillo.

“The original recommendation was to charge him before civilian courts but I had him court mar­tialed because it is a crime between soldiers,” ayon pa kay Tolentino. 

Si Suacillo ay tumang­gap ng award dahil sa pag­ka­kapatay kay Jainal Antel Sali alias Abu Solaiman, ang planner ng Abu Sayyaf, sa isang raid ng militar sa kuta ng mga bandido noong Enero 16, 2007. 

“He is a big loss to the organization, but sometimes, mistakes happen,” panghihinayang ni Tolen­tino. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SOLAIMAN

ARMY CHIEF LT

ARMY JUDGE ADVOCATE GENERAL

ARMY SPECIAL FORCES REGIMENT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with