^

Bansa

2 Marine Commander sinibak!

-

Sinibak kahapon sa puwesto ang dalawang Commander ng Philippine Marines dahil sa pagka­matay ng 14 sundalo sa Basilan.

Ayon kay Navy Spokes­man Commander Giovanni Carlo Bacordo, tinanggal sina  Lt. Col. Felix Almadrones bilang Commander ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 at ang Operations Officer nito na si Major Nestor Marcelino.

Ang Marines ay nasa ilalim ng kontrol ng Philippine Navy kung saan ang mga nasawing sun­dalo ay pawang kasapi ng MBLT 8.

Si Marcelino ang nag­silbing ground comman­der ng ambusin ng nag­sanib na puwersa ng Abu Sayyaf at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mga sundalo habang pabalik na sa kanilang kampo matapos ang bigong pagha­hanap sa Italyanong bihag na si Fr. Giancarlo Bossi.

“They have been relieved because of command responsibility to make them available on the conduct of the investigations,” ani Bacordo.

Ipinaliwanag ni Ba­cordo na ang pagsibak kina Alma­drones ay hindi ba­hagi ng parusa kundi bilang ‘standard practice’ upang hindi ng mga ito maimplu­wen­sya­han ang imbesti­gasyon.

Pumalit kay Alma­dro­nes si Lt. Col. Elmer Es­tilles habang si Major Adolfo Avarate ang hahalili sa puwesto ni Marcelino.

Samantala, dumating na ang karagdagang tropa ng Marines na ibinuhos ng AFP sa Basilan upang mag­lunsad ng ‘punitive operations ‘ laban sa MILF rebels na binigyan ng 7 araw na palugit ng militar para isuko ang mga ber­dugo na namugot  sa mga sundalo. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ANG MARINES

BASILAN

COMMANDER GIOVANNI CARLO BACORDO

ELMER ES

FELIX ALMADRONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with