^

Bansa

Congress target ni GMA sa 2010

- Ni Rudy Andal -

SUBIC INTERNATIONAL AIRPORT — Nagpahiwatig kahapon si Pangulong Arroyo na posibleng tumakbo siyang muli sa darating na 2010 elections subalit sa pag­kakataong ito ay bilang kongresista sa Unang Distrito ng Pampanga.

“Who knows baka tumakbo ako sa darating na 2010 bilang kongre­ sista sa aking lalawigan sa Pampanga,” pahayag ng Pangulo sa kanyang ope­ning statement sa ginanap na Luzon Urban Beltway (LUB) conference dito.

Magtatapos ang ter­mino ni Pangulong Arroyo sa 2010 at sa ilalim ng Konstitusyon ay bawal na itong kumandidatong muli bilang pangulo ma­liban na lamang kung maaam­yendahan ang Saligang Batas at maging Parliamentary ang porma ng pamahalaan ay puwe­deng mahalal siyang Prime Minister kung siya ay miyembro naman ng ita­tayong Parliament.

Kung maaamyen­ da­han ang Konstitusyon sa 2010 at magiging kongre­sista si PGMA ay mabubu­wag ang Kongreso kaya ang mga miyembro ng Kamara at Senado ang pansaman­talang bubuo ng Parliament at maghahalal sila ng magi­ging Prime Minister.

Sa nasabing conference ay ipinagmalaki rin ng Pangulo ang mga pangu­nahing proyekto ng LUB na malaki ang naitulong sa ekonomiya dahil sa infrastructure projects na lalong maghihikayat sa mga foreign­ investors na ma­mu­hunan sa mga pa­ngu­nahing economic zones sa Luzon tulad ng Clark at Subic.

Kabilang sa mga pro­yekto ng LUB na ipinag­malaki ni PGMA ang Clark-Subic highway na inaasa­hang matatapos sa Marso 2008.

KONSTITUSYON

LUZON URBAN BELTWAY

PAMPANGA

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRIME MINISTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with