DOTC kinampihan sa CTPL

Nagpahayag ng suporta sa pamunuan ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang mga transport group at insurance firm na Fortune Guarantee hinggil sa naipalabas na kautusan ng ahensiya kaugnay sa Comprehensive Third Party Liability (CTPL) business.

Ayon kay Ranier Za­ mora, pangulo ng Department of Tourism United Accredited Taxi Drivers Association at George San Ma­teo, secretary general ng militanteng grupong PISTON, suportado nila ang DOTC department order dahil ang bagong sistema anila ay magiging ugat ng pagkawala ng mabagal na proseso at tutulong na maging maginhawa ang mga motorista. 

Sa kanyang panig, si­nabi naman ni businessman at insurance tycoon Antonio Cabangon Chua na ang bagong sistema ay hindi makakaapekto sa CTPL business bagkus ay solusyon pa ito sa problema sa industriya. Hindi rin siya naniniwalang maraming bilang ng mamamayan ang mawawalan ng trabaho kapag naipatupad na ang naturang kautusan. (Angie dela Cruz)

Show comments