Sore eyes laganap sa Caloocan
Pinag-iingat ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mga residente sa sakit na sore eyes na laganap ngayon sa lungsod.
Ito ay matapos magpalabas ng babala ang City Health Department (CHD) sa pamamagitan ng pinuno nitong si Dr. Racquel So-Sayo, na uso na ang sakit na conjunctivitis o sore eyes sa
Ayon kay So-Sayo, hindi naman dapat mabahala ang mga residente kahit na madaling makahawa ang sakit na ito, lalo na sa mga taong may mahinang resistensya. Mas mabilis din itong kumalat sa matataong lugar.
Aniya, walang totoong gamot sa sakit na ito dahil sanhi ito ng isang virus, na siya ring dahilan kung bakit mabilis itong makahawa, ngunit kusa din naman itong gumagaling.
“Mabisang paraan upang makaiwas sa sakit na ito ay ang madalas na paghuhugas ng ating mga kamay pati na ang pag-iwas sa pagkukusot ng mga mata,” pahayag ni So-Sayo.
Kaugnay nito, pinayuhan naman ni Echiverri ang mga empleyado ng lungsod na mag-file na lamang ng kanilang leave of absence kapag nadapuan sila nito.
“Mas mabuting mag-file na lamang ang ating mga kawani ng kanilang leave upang sila’y makapagpahinga’t makapagpagaling kaysa naman mahawaan pa nila ang iba nilang kasamahan at mga kliyente sa opisina,” pahayag ng alkalde. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending