Scholarship ni FG tuloy pa rin
Magpapatuloy ang scholarship ni First Gentleman Mike Arroyo kahit hindi na pangulo ng bansa ang kanyang asawa na si Pangulong Arroyo. Ayon sa Unang Ginoo ang tulong pinansiyal para sa Bagong Doktor Para sa Bayan scholarship program ay mula sa mga donasyon ng mga pribadong sector sa kaniyang First Gentleman’s Foundation. Hindi kailangang bayaran ng scholars ang magagastos ng foundation bagkus ibabalik nila iyon sa paggamot sa mga taong may sakit sa lalawigan.
Tumatanggap ang mga scholars ng libreng matrikula, uniporme, medical bags at iba pang pangangailangan para sa kanilang ika-5 taon sa kolehiyo, residency at board exams. Ang mga bagong doctor ng scholarship program ay itatalaga sa mga malalayo at mahihirap na kanayunan oras na makapasa na sila sa board exams.
- Latest
- Trending






















