Balasahan sa Senado nakaumang na

Naghahanda na uma­no ang oposisyon sa pi­naplanong balasa­han sa Senado kung saan pa­ngunahing agen­da ay pa­talsikin sa puwesto ang mga kaalyado ng Malaca­ñang.

Ayon sa report, nag­pulong nitong Huwebes ng gabi ang pitong sena­dor na sina Panfilo Lac­son, Jing­goy Estrada, Mar Roxas, Jamby Madrigal at mga senatoria­bles na sina Loren Le­garda, Noynoy Aquino at Alan Peter Ca­yetano para pag-usapan ang Senate presidency at pagbalasa ng mga ko­mite.

Sa kasalukuyan ay hawak ng dalawang ka­sapi ng Wednesday Group na kaalyado ni Senate President Man­ny Villar ang maka­pangya­rihang Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Joker Arroyo at ang Rules Committee ni Majority Leader Sen. Francis Pangilinan.

Ayon sa ulat, 12 boto lamang ang ka­ilangan para makuha ng oposis­yon ang pa­mumuno sa mga ko­mite tulad ng public works, ways and means, public services and franchises na pa­wang hawak ng administration senators.

Bukod sa pito na du­malo sa pulong, ka­alyado din ng oposisyon ang mga hindi naka­dalong sina Pia Ca­yetano at Rodolfo Bia­zon.

Ang iba pang miyem­bro ng oposisyon ay sina Aquilino “Nene” Pi­mentel Jr., Francis Es­cudero, Antonio Trilla­nes, Aquilino “Koko” Pimentel III at Villar. 

Samantala sina Mi­riam Defensor, Ramon “Bong” Revilla, Lito Lapid, Edgardo An­gara, Juan Ponce Enrile at Joker Arroyo ang mga senador na nalalabing maka-admi­nis­trasyon.

Hindi naman tiyak ang posisyon ng tatlong sena­dor na sina Francis Pa­ngi­linan at Gregorio Ho­nasan na tumakbong independent at si Sen. Richard Gordon.

Sa tantiya ni Jing­goy, posibleng sumama si Honasan sa kanyang men­tor na si Enrile ha­bang hinihintay pa ng grupo ang pagdating ni Pangilinan mula sa Europa kung kanino siya makiki-alyansa.

Show comments