^

Bansa

Rugby boy lasog sa bus

-

Pansamantalang hu­ mina ang Bulkang Bu­lusan sa Sorsogon nitong naka­lipas na 24 oras.

Sa pinaka latest monitoring ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabi ni July Sabit, volcanologist, bahag­yang kumalma ang bulkan subalit hindi ito nanga­ngahulugan na hindi na mag-iingat ang mga re­sidenteng nakatira sa paligid nito.

Ayon kay Sabit, patuloy na nagbabanta ng pag­sabog ang Bulusan at ang kasalukuyang kundisyon nito ay normal lamang sa isang aktibong bulkan.

Wala rin anyang ki­nalaman ang paglamig ng klima ng panahon dulot ng mga pag-uulan dahil wa­lang kaugnayan ang uri ng panahon sa kundisyon ng mga bulkan sa bansa.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala la­ mang ang Bulusan ng 28 volcanic quakes na higit na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo na umabot sa 243.

Gayunman, patuloy na ipinaiiral ang pagbabawal sa pagpasok ng sinuman sa 4 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan dahil nananatili ito sa alert level 2, ang kundisyon ng bulkan na maaaring sumabog anumang oras mula nga­yon. (Angie dela Cruz)

ANGIE

AYON

BULKANG BU

BULUSAN

CRUZ

JULY SABIT

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with