New Ecija governor seen to face rough sailing
Bawal nang pumasok at gumala-gala sa loob ng Malakanyang ang maliliit na bata o mga anak ng mga empleyado nito.
Sa isang ulat, ipinalabas ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kautusan nang may makita umano siyang bata na gumagala sa loob ng Palasyo kamakailan.
Nasubukan ang naturang kautusan nang isang empleyado ng Malakanyang ang nabigong maipasok sa compound ng Palasyo ang dalawa niyang anak na lalaki na may edad na anim at 13 taong-gulang kamakalawa.
Hindi pinangalanan sa ulat ang empleyado pero sinabi nito na binanggit sa kanya ng mga guwardiya na noong Biyernes lang nila natanggap ang kautusan na sumasaklaw hanggang sa New Executive building.
Nagtalo anya sila ng guwardiya pero humingi lang ito ng paumanhin at iginiit na hindi puwedeng pumasok ang kanyang mga anak.
- Latest
- Trending