Woman still rules Pangasinan town’s mayoral race

Muntik nang hindi matu­ loy ang pagbiyahe kahapon ni Pangulong Arroyo patu­ngong Japan dahil sa flat tire o pagka­kabutas ng gulong ng kanyang kotse.

Ayon sa ulat, patungo na sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang convoy ng Pangulo nang magkaroon ng flat tire ang sinasakyan niyang limousine.

Agad na bumaba mula sa kotse ang mga presidential guard para palitan ang gulong pero natuk­lasang flat din ang reser­bang gulong nito.

Gayunman, nakabi­yahe rin patungo sa NAIA ang convoy nang maka­kita ng bagong gulong.

Dumalo ang Pangulo sa 13th Nikkei Conference sa Japan upang palakasin ang ugnayang RP-Japan.

Show comments