^

Bansa

Palasyo pumalag sa payo ni Bro. Mike

- Nina Malou Escudero at Butch Quejada -

Hindi kumporme ang Malacanang sa payo ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde kay Pangulong Gloria Arroyo na dapat nang talikuran ang pagpa­ pabago sa Konstitusyon o Charter Change dahil ito ang hinihingi ng taumba­yan na tumangging bu­moto sa karamihan ng mga kandidatong senador ng administrasyon. 

Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na pinapasalamatan ng Pa­lasyo ang intensiyon ni Velarde na pagbibigay ng payo sa Pangulo pero hindi ang nilalaman nito tulad ng pagtalikod sa pagpapabago sa Kons­titusyon o Charter Change.

Idinagdag nito na hindi pa naman tapos ang bila­ ngan sa senatorial pero ipinakikita naman umano ng resulta ng congressional at local levels na pu­mapabor ito sa kasaluku­yang political stability. 

Sa panig naman nina Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina at Antique Rep. Exequiel, ang oposisyon ang dapat na himukin at pagpayuhan ni Bro. Mike na huwag pigilan ang pagsulong ng bansa.

Tahasang sinabi nina Baterina at Javier na ba­gama’t sinusuportahan nila ang pahayag ni Velar­de na kailangang mata­pos ni Pangulong Arroyo ang kaniyang termino ay naka­salalay pa rin ito sa opo­sisyon na ang tanging layu­nin ay pabagsakin ang administrasyon at pwersa­han itong patalsi­kin sa pwesto.

Nagbabala rin ang da­lawang solon na kung ma­nanalo ang mayorya ng mga kandidato ng Genuine Opposition (GO)  ay ko­kontrolin nito ang Senado na siyang magtutulak upang mas lalong lumakas ang pag-atake sa Pangulo at admi­ nistrasyon.

ANTIQUE REP

CHARTER CHANGE

EL SHADDAI

GENUINE OPPOSITION

ILOCOS SUR REP

MIKE VELARDE

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with