^

Bansa

Re-electionist mayors leading in Camanava

-

Nagpahayag ngayon ng kumpiyansa ang mga mambabatas ng administrasyon na unti-unting mama­mayani ang mga kandidato sa pagka-senador ng Team Unity sa eleksyon batay na rin sa pinakahuling resulta ng bilangan ng boto.

Tinukoy nina Reps. Edwin Uy at Eduardo Veloso ang pinaka­huling resulta ng “poll counting” ng  National Movement for Free Elections (Namfrel) na nag­pa­pakitang apat na kandidato ng TU ang pasok sa Magic 12 kumpara sa dalawa noong mag­simulang mag­bilang ang Namfrel, madaling-araw ng Martes. Ang apat ay sina Edgardo Angara, Joker Arroyo, Miguel Zubiri at Ralph Recto.

Inihayag ni Uy, Lakas co-chair para sa Cagayan Valley Region, na noong simula ng Namfrel count, ang tala ay 8-2-2 pabor sa oposisyon ngunit ito’y naging 6-4-2 na base sa Namfrel poll alas-7 ng umaga at alas-11 ng umaga ng Miyerkules.

Ang malaking pagbabago sa posisyon ng TU ay bunsod ng pagdating ng “command votes” mula sa mga balwarte ng administrasyon, ayon kina Uy at Veloso.  (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CAGAYAN VALLEY REGION

EDGARDO ANGARA

EDUARDO VELOSO

EDWIN UY

FREE ELECTIONS

JOKER ARROYO

NAMFREL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with