Disqualification vs Peewee ibinasura
May 11, 2007 | 12:00am
Kinatigan ng Commission on Elections ang kandidatura ni Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad kasabay ng pagbasura sa kasong diskwalipikasyon na isinampa laban sa kanya ng isang kapitan ng barangay.
Sa isang resolusyon na may petsang Mayo 9, dinismis ng Commission on Elections Second Division ang kahilingan ni Juanito Delmendo na idiskuwalipika si Trinidad dahil sinuspinde ito ng Ombudsman.
Nauna nang sinabi ng Comelec na kwalipikado si Trinidad na tumakbo sa pagka-alkalde.
Pero sinabi ng Comelec na walang misrepresentation si Trinidad sa isinampa nitong certificate of candidacy bukod sa hindi pa pinal ang desisyon ng Ombudsman sa kaso ng alkalde. (Gemma Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest