‘Tol Mike wagi sa UP mock polls
May 10, 2007 | 12:00am
"Bumoto nang matalino at may prinsipyo."
Ito ang mensahe ng resulta ng mock elections ng mga estudyante ng UP Diliman, Quezon City nang pumasok sa Magic 12 si Team Unity (TU) senatorial candidate Mike Defensor. Bumandera si Defensor sa mock polls ng 868 estudyante na isinagawa ng isang student organization, ang Nagkakaisang Iskolar para sa Pamantasan at Sambayanan (KAISA) noong nakaraang Mayo 7. Si Defensor ay dating UP University Student Council vice chairman at nagtapos sa nasabing unibersidad ng BA History at MA Public Administration.
Karamihan sa mga pumasok sa Top 12 ay mga nagsipagtapos sa UP. Naniniwala ang KAISA na ang resulta ng kanilang mock elections ay siya ring magiging aktuwal na boto ng mga alumni at estudyante ng buong UP System sa darating na Mayo 14. (Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest