Artipisyal na power crisis likha raw ng IPP
May 8, 2007 | 12:00am
Sinabi kahapon ni Association of Philippine Cooperative partylist secretary general Louie Corral na nana nakot lang ang mga Independent Power Producer na magkakaroon ng krisis sa kuryente dahil kasalukuyang sinusuri ang kontrata nila sa pamahalaan. "Pinipilit tayong maniwala na magkakaroon ng krisis sa kuryente," babala ni Corral. Pinuna niya na ang mga IPP ang dahilan kaya mahal ang kuryente sa bansa. Binabraso anya ng mga ito ang pamahalaan para pumayag sa take-or-pay arrangement na, rito, magbabayad ang mga konsyumer sa kuryenteng hindi naman nalilikha ng IPP.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest