Ito ang sabi ni Connie Dy, tumatakbong alkalde ng siyudad ng Pasay, kung saan inihayag din niya na naniniwala siyang walang epekto sa kanya kung ma-disqualify man o hindi si Peewee Trinidad, ang dating alkalde na napatalsik sa puwesto dahil sa daan-daang milyong pisong anomalya sa koleksiyon ng basura.
"Kung mahahalal akong alkalde ng Pasayenos ay gusto ko na maiboto ako base sa performance, track record at plataporma," ani Dy.
Sinabi ni Dy na malaki ang tiwala niyang pipiliin siya ng mga Pasayenos dahil bukod sa kanyang track record ay wala siyang kabahid-bahid ng korupsiyon sa anim na taon niyang panunungkulan sa Kongreso at kahit noong nanunungkulan pa lamang siya bilang konsehal sa siyudad.