Disqualification kay Rep. Dy
May 5, 2007 | 12:00am
Nakatakdang maghain ng disqualification case si dating Pasay City Mayor Wenceslao "Peewee" Trinidad laban kay mayoral candidate Connie Dy at kanyang mga ka-tiket sa Commission on Elections dahil sa paggamit ng campaign posters na lumalabag sa isinasaad ng batas.
Sinabi ni Trinidad na ang mga mala-higanteng tarpaulin ni Dy at kanyang mga kakampi ay nagkalat sa buong siyudad. Makikita umano ito sa F.B. Harrison corner Salud street, EDSA, Arnaiz avenue corner Aurora street, Pasay City Cockpit, at iba pang parte ng lungsod.
Sinabi ni Trinidad na batay sa Omnibus Election Code of the Philippines, Article X (Campaign and Election Propaganda), Section 82, ang nararapat na laki ng campaign poster ay two feet by three feet at narararapat na sa common poster areas lamang ito makikita.
Ang mga streamers na may laking limang talampakan ay papayagan lamang sa headquarters ng partido, bahay ng kandidato at sa lugar kung saan isasagawa ang mga rally. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest